Nang Minsan Lang
Minsan ang awit kong ito'y pakinggan
Laging ihahatid yaong dinaanan
Nating dalawa noo'y parang iisa
Yun ay panahong ngayon ay wala na
Minsan ay ngingiti ka ring mag-isa
Minsa'y inis at galit pa
Tulad ko'y malulungkot
May naiwan ding kirot
Sa ating puso
Kung minsan ba'y nais mong balikan
Baguhin ang lahat ng nagdaan
Huwag marinig ang tinig kong hangal
Sambit ang ngalan mo sa magdamag
Minsan ang awit kong ito'y pakinggan
Awit na alaala lang
Lampas langit nagmahal
Sa iyong buhay nagdaan
Nang minsan lang
Kung minsan ba'y nais mong balikan
Baguhin ang lahat ng nagdaan
Huwag marinig ang tinig kong hangal
Sambit ang ngalan mo sa magdamag
Minsan ang awit kong ito'y pakinggan
Awit na alaala lang
Lampas langit nagmahal
Sa iyong buhay nagdaan
Nang minsan
Nang minsan lang