Di Ko Na Kayang Masaktan Pa
Pinilit kong pigilin ang aking damdamin
‘Pagka't ika’y ‘di na dapat pang ibigin
Ikaw pala'y mayro’ng ibang minamahal
Habang ako'y sa 'ting pagmamahalan lang sumugal
Ang sabi mo ito’y malayo sa katotohanan
At ang puso mo'y nakalaan
Para sa akin lamang
Bulong ng aking isip ay ‘wag nang magtiwala
Sigaw ng puso ko'y
‘Wag umasa sa maling akala
Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran
Sa ‘yong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na
Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso ko'y paglaruan
Ng puso mong gahaman
Ako'y iyong palayain at huwag mo nang ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan pa
Huwag mo na sanang patagalin
‘Wag mo na akong linlangin
Pagdurusang ito'y hindi na makakaya
Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran
Sa ‘yong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na
Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso ko'y paglaruan
Ng puso mong gahaman
Ako'y iyong palayain at huwag mo nang ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan pa