Maghihintay Ako

Randy Conception

Lalayo ka na magkikita pa ba
Ngunit tila may lungkot sa 'yong mga mata
'Wag mag-alala walang maiiba
Sa pagmamahalan nating dalawa

Maghihintay ako maghihintay sa 'yo
Lumipas man ang panahon kaya ko ito
At kung sakali man ako'y iyong lisan
Magdaramdam ako ngunit aasa pa ang puso kong ito

'Di mo maiaalis lungkot na nadarama
Ngunit tiwala ko sa 'yo ang siyang nagdadala
'Wag mag-alala walang maiiba
Sa pagmamahalan nating dalawa

Maghihintay ako maghihintay sa 'yo
Lumipas man ang panahon kaya ko ito
At kung sakali man ako'y iyong lisan
Magdaramdam ako ngunit aasa pa ang puso kong ito

Maghihintay ako maghihintay sa 'yo
Lumipas man ang panahon kaya ko ito
At kung sakali man ako'y iyong lisan
Magdaramdam ako ngunit aasa pa ang puso kong

Maghihintay ako maghihintay sa 'yo
Lumipas man ang panahon kaya ko ito
At kung sakali man ako'y iyong lisan
Magdaramdam ako ngunit aasa pa ang puso kong ito

Maghihintay ako

Curiosités sur la chanson Maghihintay Ako de Ogie Alcasid

Quand la chanson “Maghihintay Ako” a-t-elle été lancée par Ogie Alcasid?
La chanson Maghihintay Ako a été lancée en 1991, sur l’album “A Step Ahead”.
Qui a composé la chanson “Maghihintay Ako” de Ogie Alcasid?
La chanson “Maghihintay Ako” de Ogie Alcasid a été composée par Randy Conception.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Ogie Alcasid

Autres artistes de Romantic