Libra

David Jo Quinto

Tanging ang sariling nakatingala sa ulap
Aking hinihiling sa bituin ay makausad
Laging lumalalim ang naglalaro na utak
At bakit napapraning kapag hindi nakakausap
Taglay mong kagandahan na iba sa karamihan
Alaga na hindi panandalian
Liwanag sa mga mata mong di ko mapigilan na titigan
Ang tanging tala, aking hiningi sa kalangitan
Nahulog na sa libra
Pagkataoy nalihis na
Nilabanan ang pait at ikaw ang nag-alis
Sa kahapon ko na dati masakit pa
Di pa siguradong papalarin
Sa nais na mapa-lapit sa tangi kong hangarin
Para makilala ng tuluyan, ay aking natutunan
Ang pasensya ko ay dapat pahabain
Pano masasabi? Na di mapapahamak?
Kalmadong pag-abante papuntang alapaap
Tipo na babae, na laging pinapangarap
At ang tama mong balanse, yan ang aking hinahanap
At ikaw na ang sagot sa matagal ko ng mga tanong
Ang sarili binigyan ng pagkakataon
Kalimutan ang kahapon at isipin yung ngayon
Darating din tayo sating tamang panahon
Kinabukasan di pa masisilip
Nandito lang ako di mo kailangan mapa-isip
Mula ng magising ang puso kong nananahimik
Pag ibinigay ka sakin, higit pa sa panaginip
Naligaw, puso kong nasanay na palaging maginaw
Bat sayong mga hawak ay hindi makabitaw
Muli ay natutunan ng damdaming sumigaw
Wala ng iba, ikaw at ikaw
Pasensya kung hindi ko inaamin
Dinadaan nalang sa panalangin
Sa tala sa kalangitan na tanging binulong mga hangarin
Ng damdamin na sana ay mapa-sakin
Pero bakit
Tanging ang sariling nakatingala sa ulap
Aking hinihiling sa bituin ay makausad
Laging lumalalim ang naglalaro na utak
At bakit napapraning kapag hindi nakakausap
Taglay mong kagandahan na iba sa karamihan
Alaga na hindi panandalian
Liwanag sa mga mata mong di ko mapigilan na titigan
Ang tanging tala, aking hiningi sa kalangitan
Nahulog na sa libra
Pagkataoy nalihis na
Nilabanan ang pait at ikaw ang nag-alis
Sa kahapon ko na dati masakit pa
Yeah, sa piling mo akoy payapa
Sa mundo man na madaya
At kahit ano pang ibato satin ng tadhana
Lahat nasa maayos, basta ikaw ang kasama
Babalanse lang, para sa mga plano
Hirap man magdesisyon o isip ay pabago-bago
Basta eto lang ang klaro
Di na dapat mangamba kasi mula ngayon nandito na ko
Kayang lumaban pag nagka-subukan
Laging handa na makipag-tulungan
Di bibitawan ang kamay kahit na maguluhan
Kayang samahan kahit hanggang sa magka-ubusan
Ito yung hindi ko inaasahan
Dumating sa buhay ko, ng hindi ko namamalayan
Pagbaba ng tala at sa pagkinang ng kagandahan
Ay alam kong tinupad na ang bulong sa kalawakan
Habang nakatitig sa iyong mga mata
Dito saking panaginip ay biglaang nadama
At ng magising ay tila, bakit nanghihina
Musikang hatid para sayo na pambihira
Mga ngiti sa labi ay bigla nalang nasira
Pagdilat ng mga mata, ang aking nakikita ay ang
Tanging ang sariling nakatingala sa ulap
Aking hinihiling sa bituin ay makausad
Laging lumalalim ang naglalaro na utak
At bakit napapraning kapag hindi nakakausap
Taglay mong kagandahan na iba sa karamihan
Alaga na hindi panandalian
Liwanag sa mga mata mong di ko mapigilan na titigan
Ang tanging tala, aking hiningi sa kalangitan
Nahulog na sa libra
Pagkataoy nalihis na
Nilabanan ang pait at ikaw ang nag-alis
Sa kahapon ko na dati masakit pa

Curiosités sur la chanson Libra de OM

Qui a composé la chanson “Libra” de OM?
La chanson “Libra” de OM a été composée par David Jo Quinto.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] OM

Autres artistes de Jazz rock