Hindi Ko Sukat Akalain
Tila kahapon lamang nang tayo'y nagkakilala
'Di inaakalang mauulit ang ating pagkikita
Mga nakaw na sandaling alam man natin ay bawal
Paulit-ulit naganap ang 'di inaasahan
Ang nakaraan ba sa 'ti'y 'di na ba magaganap
Sukdulang pag-irog ko ay 'di na ba hinahanap
Naging mailap ang pagkakataon sa nagdaang mga suyuan
Aking hahanap-hanapin ang labi mo hirang
Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon
Ika'y aking iibigin
Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling
Tila isang sumpa kung aking iisipin
Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon
Ika'y aking iibigin
Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling
Parang isang panaginip ayoko nang magising
Hindi ko sukat akalain na sa maigsing panahon
Ika'y aking iibigin
Kakaibang kaligayahan sa tuwing kita'y nakakapiling
Parang isang panaginip ayoko nang magising
Ang balintataw ko ikaw ang laging sambit
Ang mga lumipas kaya'y muling mauulit