Pagsubok

John Mateos Ong, Naldy Padilla

[Verse 1]
Isip mo'y litong-lito sa mga panahong nais mong maaliw
Bakit ba ang bumabalakid ay ang iyong mundong ginagalawan?
Ang buhay ay sadyang ganyan, sulirani'y 'di mapigilan
Itanim mo lang sa iyong pusong kaya mo 'yan

[Chorus]
Pagkabigo't alinlangang (Huwag mong isuko)
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan (At iyong labanan)
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko (Huwag mong isuko)
At iyong labanan

[Verse 2]
Huwag mong isiping ikaw lamang ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa at hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan, kaya mo 'yan

[Chorus]
Pagkabigo't alinlangang (Huwag mong isuko)
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan (At iyong labanan)
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko (Huwag mong isuko)
At iyong labanan

[Instrumental Bridge]

[Pre-Chorus]
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan

[Chorus]
Pagkabigo't alinlangang (Huwag mong isuko)
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan (At iyong labanan)
Huwag mong itigil ang laban
Oh, la-la-la-la-la-la-la-la, yeah, yeah
Huwag mong isuko (Huwag mong isuko)
At iyong labanan
Huwag mong isuko (At iyong labanan)
At iyong labanan

[Outro]
Pagkabigo't alinlangang gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong isuko ang laban

Curiosités sur la chanson Pagsubok de Orient Pearl

Quand la chanson “Pagsubok” a-t-elle été lancée par Orient Pearl?
La chanson Pagsubok a été lancée en 2005, sur l’album “Recollection”.
Qui a composé la chanson “Pagsubok” de Orient Pearl?
La chanson “Pagsubok” de Orient Pearl a été composée par John Mateos Ong, Naldy Padilla.

Autres artistes de