Pan De Monio
Kay ganda ganda ng iyong mukha
Parang anghel na sa langit ay bumaba
Ngunit ang pangit ng ugali mo (Pan De Monio)
Mukhang anghel ngunit ang asal mo (Pan De Monio)
Ang pangit ng ugali mo (Pan De Monio)
Mukhang anghel ngunit ang asal mo (Pan De Monio)
Hindi ko maintindihan kung bakit ka ganyan
Dati naman ika’y mabait
Ngayo’y pakitang tao’t pagyayabang lang ang yong alam
'Pag may lumamang ikaw ay galit
Nakakagulat ang maamo mong mukha
Maliit na bagay lang ika’y nagwawala
At ang iyong mga labi na kaakit-akit
Bukang bibig ay mura’t walang patid na panlalait
Ang pangit ng ugali mo (Pan De Monio)
Mukhang anghel ngunit ang asal mo (Pan De Monio)
Ang pangit ng ugali mo (Pan De Monio)
Mukhang anghel ngunit ang asal mo (Pan De Monio)
Bakit kaya bigla na lang ika’y nagbago
Kagandahan mo’y isang balat-kayo
Di maikukubli ng tamis ng iyong mga ngiti
Ang tunay na kulay mo at itim ng iyong budhi
Ang yong kawangis ay bulaklak na anong rikit
Punong-puno pala ng tinik
Ako’y nabulag sa gayuma ng iyong anyo
Nasa loob pala ang kulo
Dahil ang pangit ng ugali mo (Pan De Monio)
Mukhang anghel ngunit ang asal mo (Pan De Monio)
Ang pangit ng ugali mo (Pan De Monio)
Mukhang anghel ngunit ang asal mo (Pan De Monio)
Kay ganda ganda ng 'yong mukha
Parang anghel na sa langit ay bumaba