Aginaldo
Ang bilis naman, parang kailan lang Disyembre na naman
Pansin mo ba? Sumisilip na si Jose Mari Chan
Ang bawat awit ay may dalang ibang galak sa 'ting damdamin
Simoy ng hangin yumayakap din, o kay sarap namang damhin
Gawin mo na, paingayin na pangkaroling na tambol, tansan, at lata
Ating parol at Krismas tree, pagandahin natin nang magkasama
Sa simbang gabi'y manalangin, magpasalamat sa Diyos, kay Kristong Hari
Simpleng hiling sa Paskong darating, sana ay matupad natin
Paparating na ang Pasko
Magdiriwang ang kalangitan at buong mundo
Kahit na wala na'ng magarang regalo
Basta't magkasama, magkayakap tayo
Ang tangi ko lang laan na aginaldo ay tunay na pag-ibig ko sa 'yo
Lutuin na, pagsaluhan na anumang kayang hain sa Noche Buena
Sama-sama, sobrang saya pinapaningning ng ngiti buong pamilya
Nagbibigayan, nagdadamayan, nagtutulungan, nagbabayanihan
Ito ang tunay na diwa ng Pasko, sana ay isapuso natin ito
Paparating na ang Pasko
Magdiriwang ang kalangitan at buong mundo
Kahit na wala na'ng magarang regalo
Basta't magkasama, magkayakap tayo
Ang tangi ko lang laan na aginaldo ay tunay na pag-ibig ko sa 'yo
Paparating na ang Pasko
Magdiriwang ang kalangitan at buong mundo
Kahit na wala na'ng magarang regalo
Basta't magkasama, magkaisa tayo
Ang tangi ko lang hiling na aginaldo ay kapayapaan sa mundo