May Hihigit Pa Ba
May hihigit pa bang dahilan sa pag-ibig
Upang matuloy ang Pasko
Kahit na de lata lamang p kaya’y pansit kanton
Sapat nang ipagdiwang ang bertdey ng sanggol
May hihgit pa bang dahilan sa pag-ibig
Upang tayo’y magkasamang muli
Pailawing muli ang parol at Krismas tree
Sapat na ang pagmamahal upang magdiwang muli
Ang Pasko’y di kailangang marangya
Sa sabsaban ang kuwento ng Pasko’y nagsimula
Tayo ma’y pinaglayo ng pangamba at kadiliman
Magkikitang muli
At magsasamang muli
May hihigit pa bang dahilan sa pag-ibig ni Hesus
Upang matuloy ang Pasko
May hihigit pa bang dahilan sa pag-ibig
Upang tayo’y manalanging lahat
Para sa kapayapaan at paghilom ng daigdig
Sapat na ang pag-ibig, wala nang hihigit