Sa Belen Lalapit, Kakapit

Marione Joseph Napata, National Commission for Culture and the Arts, Sagisag Kultura Filipinas, Philippine Cultural Educati

‘Di maikubling pananabik na masilayan
Makukulay na Krismas lights bawat tahanan
Tinig ng mga paslit na nagkakaroling sa lansangan
Kapalit nito ay nakakabinging katahimikan.

‘Di maitagong paghahangad ika'y mahagkan
Mayakap kang mahigpit ay suntok sa buwan
Nabalot ng tangis at pangambang ‘di maintindihan
Paano ba ipagdiriwang ang kapaskuhan?

Puno ng Silent night ‘pag ang Pasko ay sumasapit
Oh Holy night, malamig ang simoy ng hangin
Pasko na naman ngunit 'di mabilang ang balakid
Maraming pa'no at bakit, palaisipang ‘di mabatid
Pananalig, panalangin
Sa belen…
Lalapit
Kakapit
Lalalapit
Kakapit
Sa belen lalapit, kakapit.

‘Di mawaring pananaghoy at karamdaman
Bumalot sa daigdig oras ‘di namalayan
Dalangin ko sa bituin, manawari’y kanyang mapakinggan Noche Buena ay mapagsaluhan

Puno ng Silent night ‘pag ang Pasko ay sumasapit
Oh Holy night, malamig ang simoy ng hangin
Pasko na naman ngunit 'di mabilang ang balakid
Maraming pa'no at bakit, palaisipang ‘di mabatid
Pananalig, panalangin
Sa belen…

Kay Hesus, Jose’t Maria
Pastol, hari, anghel at tala
Osana sa kaitaasan!

Puno ng Silent night ‘pag ang Pasko ay sumasapit
Oh Holy night, malamig ang simoy ng hangin
Pasko na naman ngunit 'di mabilang ang balakid
Maraming pa'no at bakit, palaisipang ‘di mabatid

Dalamhati’y pawiin
Kagalaka’y paghariin
Pananalig, panalangin
Sa belen…
Lalapit
Kakapit
Lalalapit
Kakapit
Sa belen lalapit, kakapit.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Philippine Madrigal Singers

Autres artistes de Religious