Pasko Na Sinta Ko
Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit nagtatampo nilisan ako
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang pasko inulila mo
Sayang sinta ang sinumpaan (sayang sinta ang sinumpaan)
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap (nais mo bang kalimutang ganap)
Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka sa piling ko sinta (oh)
Paano ang paskong alay ko sa'yo
Sa'yo
Sayang sinta ang sinumpaan (sayang sinta ang sinumpaan)
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap (nais mo bang kalimutang ganap)
Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang paskong alay ko sa'yo (alay ko)
Alay ko sa iyo