Patawad, Paalam, Salamat
Patawad, paalam, salamat
Patawad, paalam, salamat
Sa wakas nandito na ako
Nadala at natuto na ito
Tama lang at nadapa, kailangan mawala
Nahanap ang sarili nang ikaw ay nawala
Sa wakas buo na rin ako, 'di na ako nalilito
Lumiwanag sa dilim, luminaw ang paningin
Nakilala ang sarili, pagbitaw sa patalim
Ngayon alam ko na ang aking halaga
'Di na mangangamba kahit na mag-isa
Buo na ang puso, sawa na sa dulo kaya naman
Patawad, paalam, salamat
Tapos na ang natago sa dilim
Handa na 'kong magsimulang muli
Patawad, paalam, salamat
'Di na manunumbalik ang pait
Handa na 'kong magsimulang muli
Handa na 'kong magsimulang muli
Wala nang balak mag-atubili
Naramdaman ko na ang bawat sandali
Lahat nang makakaya, walang masasayang
Walang takot aking lalakbayin
Bawat daan aking haharapin
Kahit madapa basta tuloy pa rin
'Di na 'ko babalik
Dahil alam ko na ang aking halaga
'Di na mangangamba kahit na mag-isa
Buo na ang puso, tapos na sa dulo kaya naman
Patawad, paalam, salamat
Tapos na ang natago sa dilim
Handa na 'kong magsimulang muli
Patawad, paalam, salamat
'Di na manunumbalik ang pait
Handa na 'kong magsimulang muli
Natuto na sa pagkakamali
May tapang na 'kong haharap sa salamin
Wala nang sasayanging sandali
'Di na mapakali magsimulang muli
Sa wakas namulat ang araw nakaabang
Sa likod ng ulap
Handa na 'ko anuman ang bumungad
Para sa bukas na walang katulad
Patawad, paalam, salamat
Tapos na ang natago sa dilim
Handa na 'kong magsimulang muli
Patawad, paalam, salamat
'Di na manunumbalik ang pait
Handa na 'kong magsimulang muli
Patawad, paalam, salamat
Patawad, paalam, salamat