Isang Lahi

Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi

Kung ang tinig mo'y di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing ay laging pabulong

Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y di totoo
May ngiting luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit di natin isabog ang pagmamahal

Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan
Sa palad mo

Diba't ang gabi ay mayroong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag (may liwanag)
Araw ay agad na sisikat (sisikat)
Iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap

Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo (sa palad mo sa palad mo)

Sundan mo ng tanaw ang buhay (ah)
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay (ah)
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi (iisa lang ang ating lipi)
Bakit di pagmamahal ang ialay mo (ah)
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko (ah)
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo (sa palad mo sa palad mo)

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Rachelle Ann Go

Autres artistes de Stage musical