Sulyap (feat. Ky1e)

Kyle Lingao, Ralf Tumaque, Ralph Benjo

Sa tuwing ikaw ay nakikita
Di na mapigilan ang nadarama
Gusto na kitang lapitan
Kaso baka mapahiya lang
Sulyap mong napakaganda
Pwede ba kitang makilala?
Wag na sanang lumayo pa
Baby sa'kin ka sumama

Nag simula lahat nung makita
Kita doon sa amin
At nang aking masilayan
Ako nag dadalangin
Na makuha ang loob mo na
Kay hirap ngang bihagin
Pero di pa rin susuko hanggang mauwi ka samin

At dyan sa mga titig mo talagang nahulog na ako
Pwede bang baka lang makilala ko kung sinong nanay mo
At pag nagkataon na sya ay makilala ko
Ipagpaalam ko na dito ka samin mag papasko

Uy biro lang hindi nga kita malapitan
Hanggang sa sulyap lang hindi pa
Matitigan
Nahihiya kasi baka kapag nakitang
Nakitingin ako sabihin sakin walang galang

Wait meron sana kong gustong ipagtapat sayo
Sa totoo lang matagal ko na din
Inililihim to
Na kapag dumadaan ka at nasisilayan ko sa lakad mo palang masasabing
Ako'y nabihag mo

Sa tuwing ikaw ay nakikita
Di na mapigilan ang nadarama
Gusto na kitang lapitan
Kaso baka mapahiya lang
Sulyap mong napakaganda
Pwede ba kitang makilala?
Wag na sanang lumayo pa
Baby sa'kin ka sumama

Kakapalan ko na aking mukha para lang makausap kita
At para di na rin mapahiya dahil sa sobra mong ganda malabo naman na

Pumatol sa tulad ko pero sige pipilitin ko
Di naman importante kahit di pa ngayon
Kaya ko naman mag antay ng tamang panahon

Sa tuwing ikaw ay nakikita
Di na mapigilan ang nadarama
Gusto na kitang lapitan
Kaso baka mapahiya lang
Sulyap mong napakaganda
Pwede ba kitang makilala?
Wag na sanang lumayo pa
Baby sa'kin ka sumama

Sa sulyap mo naakit mo ako
Napakaganda kasi ng mga mata mo
Nahuhuli ang sariling nakatitig saiyo
At kapag ngumingiti ka tumitigil mundo ko

Nabihag mo ako sa ikli ng panahon
Hiyang itanong natatakot sa tugon
Parang malabo kasing mapasaakin
Pero malinaw na araw araw pipiliin

Hindi alam kung bakit ganito ang nadama
Basta pag kapiling ka sobra kong saya
Ikaw yung babae na nag pahalaga
Kaya para sakin di ka tulad ng iba

Laging tatandaan ikaw ay espesyal
Hihintayin kita kahit gano katagal
Ipapadama nalang totoong pagmamahal
Para malaman mo kung bakit sumugal

Sa tuwing ikaw ay nakikita
Di na mapigilan ang nadarama
Gusto na kitang lapitan
Kaso baka mapahiya lang
Sulyap mong napakaganda
Pwede ba kitang makilala?
Wag na sanang lumayo pa
Baby sa'kin ka sumama

Sa tuwing ikaw ay nakikita
Di na mapigilan ang nadarama
Gusto na kitang lapitan
Kaso baka mapahiya lang
Sulyap mong napakaganda
Pwede ba kitang makilala?
Wag na sanang lumayo pa
Baby sa'kin ka sumama

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Ralf

Autres artistes de Sertanejo