Tayo!
Masakit mang isipin
Na wala ka na sa akin
Ngayon ako ay okay na
Ilang taon ding naghirap
Mag-isa lang nagsumikap
Kinaya ko palang mag-isa
Tingnan mo (Tayo!)
Ako ay tumatakbo papalayo
Pagmasdan mo (Tayo!)
Kakayanin kong ikaw ay wala na
Tingnan mo (Tayo!)
Ako ay humihiyaw
Sumisigaw
Pakinggan mo (Tayo!)
Kakayanin na ako lang mag-isa
Kay sarap damhin ng hangin
Na para bang ako ay lumilipad (Ako'y okay lang)
Wala na akong dapat pag isipan
Na para bang ikaw parin ay nandyan (Ako'y ayos lang)
Marami akong natutunan
Nung bigla mo lang akong iniwan
Hindi inakalang may hangganan
Lubos na pasasalamat
Sa marami nating pagsasama
Ikaw ay mag-iingat sinta
Tingnan mo (Tayo!)
Ako ay tumatakbo papalayo
Pagmasdan mo (Tayo!)
Kakayanin kong ikaw ay wala na
Tingnan mo (Tayo!)
Ako ay humihiyaw
Sumisigaw
Pakinggan mo (Tayo!)
Kakayanin na ako lang mag-isa
Kay sarap damhin ng hangin
Na para bang ako ay lumilipad (Ako'y okay lang)
Wala na akong dapat pag isipan
Na para bang ikaw parin ay nandyan (Ako'y ayos lang)
Tingnan mo (Tayo!)
Ako ay tumatakbo papalayo
Pagmasdan mo (Tayo!)
Kakayanin kong ikaw ay wala na
Tingnan mo (Tayo!)
Ako ay tumatakbo papalayo
Pagmasdan mo (Tayo!)
Kakayanin kong ikaw ay wala na (Tayo!)