Tanging Hiling Sa Pasko

Palapit ng palapit na ang pasko
Simoy ng hangin unti-unting nagbabago
At pagsapit ng gabing nag-iisa
Nangangarap na sana'y nariyan ka
Sa'king tabi at yakap yakap ka

Lumang Christmas tree ay natayo ko na
Pati Christmas lights ay naisabit na
Bagong biling medyas buong nakasilid
Hiling kay Santa Claus ay makamit

Tanging hiling sa paskong darating
Na ako ay iyong sagutin
Inaasam-asam ng aking puso
Makamit ang matamis mong oo

Tulungan mo siya minsang nalulumbay
Ako'y naiinggit pagkat silang hawak kamay
Aking dinarasal na wag ipagkait
Hiling kay Santa Claus ay makamit

Tanging hiling sa paskong darating na ako ay iyong sagutin
Inaasam-asam ng aking puso
Makasama ka (makasama ka) maging akin ka (akin ka)

Tanging hiling sa paskong darating
Na ako ay iyong sagutin
Inaasam-asam ng aking puso
Makasama ka maging akin ka (akin ka)

Tanging hiling sa paskong darating
Na ako ay iyong sagutin
Inaasam-asam ng aking puso
Makamit ang matamis mong oo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Randy Santiago

Autres artistes de Pinoy pop