Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Hey you know everybody is talking about the good old days right
Everybody the good old days the good old days
Natatandaan mo pa ba yan mga salitang yan sweetheart
Noong araw madalas tayong mamasyal di ba
Sa Luneta sa Fort Santiago sa Paco Cemetery
Madalas tayong manuood ng sine paikot-ikot tayo namamasyal
Sa pagtanda kaya natin eh makaka-dalawa ka pa kayang kilometro ng pamamasyal
Aakayin mo kaya ako sa paglalakad

Kung tayo'y matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan ma'y nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin oh
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan natin

Ang nakalipas ay ibabalik natin oh
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi o wala na ang buhok ko

Sana nga sweetheart mahalin mo pa rin ako
Maski wala na akong pera maski wala na akong buhok
Maski na pumangit pa ako bakit gwapo ba ako

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Rico J. Puno

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)