Dulo

Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana

Nakatingin sa malayo
Nakatikom mga bibig
Magkatabi nga ba tayo
Bakit tila walang imik

Hindi akalain na pagkatapos ng mahabang panahon
Biglang nangyari na sa paglaoy dito rin lamang hahantong
Sana'y panaginip nalang
Sana'y magising pwede bang
'Di na harapin para bang ayokong maniwala

Narating na ba natin ang dulo (ang dulo)
Parang di pa maamin ng puso (puso)
Narating na ba
Narating na ba
Narating na ba natin ang dulo
Ang dulo ang dulo

Paano ang aking pag gising
Wala ka ng unang tawag
Pagtulog wala ng kapiling
Walang kadaupang palad

Walang magawa nanghinayang nalang sa tinapos sayang sana
Salamat nalang sa ligaya at mga pinabaong alaala
Sana'y panaginip nalang
Sana'y magising pwede bang
'Di na harapin para bang ayokong maniwala

Narating na ba natin ang dulo
Parang di pa maamin ng puso
Narating na ba
Narating na ba
Narating na ba natin ang dulo
Ang dulo ang dulo

Ang dating walang hanggan
Naging hanggang dito nalang
Narating na ba
Narating na ba
Narating na ba natin ang dulo
Ang dulo

Narating na ba natin ang dulo
Parang di pa maamin ng puso (di maamin ng puso)
Narating na ba
Narating na ba
Narating na ba natin ang dulo
Ang dulo ang dulo

Narating na ba natin ang dulo (akala ko'y hanggang wakas)
Parang di pa maamin ng puso (hanggang dito nalang ba?)
Narating na ba
Narating na ba
Narating na ba natin ang dulo
Ang dulo ang dulo

Curiosités sur la chanson Dulo de Sarah Geronimo

Quand la chanson “Dulo” a-t-elle été lancée par Sarah Geronimo?
La chanson Dulo a été lancée en 2014, sur l’album “Perfectly Imperfect”.
Qui a composé la chanson “Dulo” de Sarah Geronimo?
La chanson “Dulo” de Sarah Geronimo a été composée par Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Sarah Geronimo

Autres artistes de Pop