Hiram

May isang umagang 'di mo hahagkan
Ang mata kong 'di ka magigisnan
Turuan mong ako'y h'wag masaktan
Kahit ako para sa 'yo
Ay 'sang hiram at hindi dapat magdamdam

Di mo lang alam na kahit pa mali
Naging langit ang bawa't sandali
Magmula nang halik mo'y dumampi
Pag-ibig mo pag-ibig ko kapwa hiram (pag-ibig mo pag-ibig ko kapwa hiram)
Wala ka bang pakiramdam

Di ba ako'y tao lang (di ba)
Na nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa 'kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin

Di ba ako'y tao lang (di ba)
Na nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa 'kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin (sa bawa't sandaling hiram natin)
Oh hey oh (oh wala ka bang pakiramdam)

May isang umagang 'di mo hahagkan
Ang mata kong 'di ka magigisnan
Turuan mong ako'y h'wag masaktan
Kahit ako para sa 'yo
Ay 'sang hiram at hindi dapat magdamdam

O hiram na kung hiram bawa't saglit
Wala ako isa mang hinanakit
Basta't kapiling ka'y langit
Walang sa 'yo ay papalit
Hinding-hindi ako sa 'yo magdaramdam
Kahit hiram
Kahit hiram

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Sharon Cuneta

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)