Ikaw Lamang
[Verse 1]
Ikaw lamang
Ang siyang panaginip ko sa tuwina
At pagmulat ko sa umaga
Ay may bago nang pag-asa
Sapagkat ang napangarap ko'y ikaw
[Verse 2]
Ikaw lamang
Ang siyang itinitibok ng puso
Kahit na ika'y malayo, kahit nasaan magtungo
Ang laman ng pag-iisip ko'y ikaw
[Chorus]
Ikaw ang bumabalisa
Ginising mo itong puso kong ulila
At kung ikaw ay mabihag ng iba
Mabuti pang ako ay pumanaw na
[Instrumental Break]
[Pre-Chorus]
Kahit na ika'y malayo, kahit nasaan magtungo
Ang laman ng pag-iisip ko'y ikaw
[Chorus]
Ikaw ang bumabalisa
Ginising mo itong puso kong ulila
At kung ikaw ay mabihag ng iba
Mabuti pang ako ay pumanaw na