Nais Ko
Nang makita ka'y di ko malaman
Saan ka galing san paroroon
Nakuha mong kausapin ang aking puso
Nakakulong
Ilang araw ilang buwan ang dumaan
Tayo'y naging tunay na magkaibigan
Kahit malayo ka'y parang nandyan ka rin
Sa 'king piling o may lihim
Nais kong sabihin sa iyo
Mahal kita at di kita iiwan
Nais kong yakapin kang mahigpit,
At kailanman ay di kita pababayaan
Mahal ko mahal ko
Mga larawan mo'y na sa paligid
Minamasdan at hinahagkan
At habang lumilipad ang aking puso
May binabanggit may sinasambit
Nais kong sabihin sa iyo
Mahal kita at di kita iiwan
Nais kong yakapin kang mahigpit,
At kailanman ay di kita pababayaan
Mahal ko mahal ko
Nais kong sabihin sa iyo
Mahal kita at hindi kita iiwan
Nais kong yakapin kang mahigpit (nais kong yakapin kang mahigpit)
At kailanman ay di kita pababayaan (di kita pababayaan kailanman)
Mahal ko mahal ko
Nais ko