Huwag Siya

Huwag siya
Huwag siya
Huwag siya
Huwag siya

Kapag umiiyak siya agad nand'yan ako
'Di mo na kasi mache-check ang cellphone mo
Dahil ang tulad mo ay mas pipiliing maglaro ng kung anu-ano

Alam ko ang gusto ng isang babae
Du'n pa lang wala ka na sa aking masasabi
Mas kaya ko siyang alagaan kaysa sa'yo
Tulad 'pag kailangan niya ng pads may extra ako

Sige and'yan nga si Donna kapag iiyak ka
'Pag kay Shehyee ka hindi ka na iiyak pa
Kaya kung ako sa'yo sumama ka sa akin
Lumuha ka man 'yun ay tears of joy na kung tawagin
Okay ang babae pero darating ang araw
Sasakit ang ulo mo lalo 'pag pareho kayong may dalaw (excuse me)
Eh 'di giyera 'di ba
Parehas lang kayong kawawa
Kaya sa'kin ka na lang kasi pasensiya ko'y mahaba (ah okay)

Pag-isipan mong mabuti lahat
Ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat
Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
Ako ang tunay na nababagay sa'yo kaya

Huwag siya huwag siya
'Di ko alam kung ba't kasali pa siya sa pagpipilian
Lahat ng kaya ko hindi n'ya kayang punan
Iiwanan ka lang niya nang luhaan

Huwag kang maniwala sa iba maniwala ka sa akin
Magkakaroon lang ako ng ibang babae 'pag girl ang baby natin (ows)
Pati sa sinasabi nilang ika'y iiwan
Hindi matigas ang aking paninindigan (yuck)
Kaya please lang ako ang mas bagay sa kanya
Lalaki 'ko babae siya mas bagay talaga (o ano naman)
Kaya kung ako sa'yo sumuko ka na
Bahala ka baka mapasubo ka pa

Mas gusto ako ng parents niya
Dahil ang mukha mo daw kasi 'di katiwa-tiwala
At saka books before boys because boys bring babies (hmm)
Kaya for now I'm the best choice for the ladies (that's right)
Type ko din ang mga damit na gusto niya
Kaya tuwing magsho-shopping natutulungan ko pa siya
Hindi katulad mo boy manahimik ka d'yan
Mga pambobola mo na bulok itapon na 'yan

Pag-isipan mong mabuti lahat
Ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat
Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
Ako ang tunay na nababagay sa'yo kaya

Huwag siya huwag siya
'Di ko alam kung ba't kasali pa siya sa pagpipilian
Lahat ng kaya ko hindi n'ya kayang punan
Iiwanan ka lang niya nang luhaan

If I were you I'd choose me
'Cause I'm for you obviously (di naman)
Pareho tayo ng interes sa buhay yes
Goodbye ka na sa lahat ng stress na nakakaumay

Pero 'di ba shut up please
Oh that's another reason
When you talk I won't cut you 'cause
I know how to listen
At saka isa pa (Donna time)
May sasabihin pa ako
Hayaan na natin siyang maghusga

Oh sige itigil na natin 'to
Iiwanan na namin ang desisyon sa'yo (dapat lang)
'Pag pinili mo s'ya at nagkamali ka
'Wag kang magtataka kung ang maririnig mo sa'kin
I told you so nakinig ka ba
'Di ako paulit-ulit mangangako sinta (yeah)
Dahil hindi ako 'yung tipong puro lamang salita (ows)
'Pag sa akin ka umoo saka ko sa'yo ipapakita
Tunay na ibig sabihin ng mahal kita I love you (joke lang 'yan)

Pag-isipan mong mabuti lahat
Ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat
Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
Ako ang tunay na nababagay sa'yo kaya

Huwag siya huwag siya (huwag siya huwag siya)
'Di ko alam kung ba't kasali pa siya sa pagpipilian (huwag siya huwag siya)
Lahat ng kaya ko hindi n'ya kayang punan (huwag siya huwag siya)
Iiwanan ka lang niya na'ng luhaan (huwag siya huwag siya)

Pag-isipan mong mabuti lahat
Ang ibibigay ko'y higit pa sa sapat
Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
Ako ang tunay na nababagay sa'yo kaya
Huwag siya huwag siya (huwag siya huwag siya)
'Di ko alam kung ba't kasali pa siya sa pagpipilian (huwag siya huwag siya)
Lahat ng kaya ko hindi n'ya kayang punan (huwag siya huwag siya)
Iiwanan ka lang niya na'ng luhaan

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Sheng Belmonte

Autres artistes de Contemporary R&B