Alam Mo Ba
Alam mo ba
Magmula nang makilala ka
Damdamin ko ay 'di mapalagay
Puso ko'y may kaba
Umiibig na ba
Alam mo ba
Sa panaginip ko
Laging ikaw ang nakikita ko
Ano bang nasa sa'yo
At nababago mo ako
Ikaw ang tanging dahilan
Kung kaya ang puso ko'y umiibig sa unang pagkakataon
Minsan na may nagtatanong
Baka paghanga lang ang aking nararamdaman
Alam mo ba nalulumbay ako
Kapag nag-iisa ang tanging hinahanap ko
Ay walang iba kun'di ikaw aking sinta
Ikaw ang tanging dahilan
Kung kaya ang puso ko'y umiibig sa unang pagkakataon
Minsan na may nagtatanong
Baka paghanga lang ang aking nararamdaman oh
Ikaw ang tanging dahilan
Kung kaya ang puso ko'y umiibig sa unang pagkakataon
Minsan na may nagtatanong
Baka paghanga lang ang aking nararamdaman
Oh
Alam mo ba