Alam Mo 'Yan
Mas maraming maaani
Kapag kakilala dumadami
Ang puhunan mo'y ugali
Tapos sila'y kusang maaakit
Di ka rin masyadong mangangawit
Pag ka may katulong lumagari
Mas madami pang mabubuo
Basta tama yung kain na mapasubo mo
Sa pagbulusok mo
Dadami ang kapit na sasalubong (oh)
Mga tao na hangin, na tutulong kuhain,
Itutulak kang langit, ikaw ang usok (oh)
Mga taong kaya kang basahin
Mga taong di ka babasagin
Mga tao na para sa akin (akin)
Nagdadagdag-patag nang lalakaran mo
Nagaambag-lapad nang aapakan mo
Nagaabot-palad na hahawakan mo
Hanggang kalat-kalat na ang pangalan mo
Ika'y kaya akong basahin
Ika'y di ako babasagin
Kaya ika'y nakalista sakin (sakin)
Kung sino ang nasa isip yun ang laging balikan
Oh tuwing nakakalimot ay muli mo lang tignan
Kung sinong dulot ay ngisi yun ay wag mong palitan
Alam mo yan, oh, alam mo naman
Pwesto saking puso, mayron kang pinto
Papasok kung nasan ang mga impok ko na ginto
Isa kang nagdulot-ngisi kaya di papalitan
Alam mo yan, oh, alam mo naman
(Oh oh) pag nakuha ang kahon
Ng datong papa-ambunan
Ang mga nagalok
Ng kamot(kamay) sa panahon na taglubog
Pag tumubo ang buto
Na hinulog sa balon
May bunga ka doon
Dahilan nga ay
Kapag lagi 'kong tulog ay taga gising ka
Pinapa-alalahanan pag walang gigil (ha!)
Bumabatok sa akin pag tumitigil
Ako na mangikil kung ano ang akin
Maya't-maya ikaw ay nakasilip
Kapag tinatamad ikaw na ang pumipilit
Kaya kapag dumami ang nakinig sa hilig
Ika'y makakatikim sa puno ko na hitik
Sa prutas ng peras o
Sa ubas na maiinom
Katumbas ng oras na iyong ginugol
Ang matatanggap mong abot
Dahil ika'y kaya akong basahin
Ika'y di ako babasagin
Kaya ika'y nakalista sakin (sakin)
Kung sino ang nasa isip yun ang laging balikan
Oh tuwing nakakalimot ay muli mo lang tignan
Kung sinong dulot ay ngisi yun ay wag mong palitan
Alam mo yan, oh, alam mo naman
Ika'y magipon (ng yeah) taong matino (uh yeah)
Na papalibot (hmm yeah, sa iyo)
Isa kang nagdulot-ngisi kaya di papalitan
Alam mo yan, oh, alam mo naman
Kung sino ang nasa isip yun ang laging balikan
Oh tuwing nakakalimot ay muli mo lang tignan
Kung sinong dulot ay ngisi yun ay wag mong palitan
Alam mo yan, oh, alam mo naman