Mas Masaya Sa Pilipinas
Tila lumalakas ang hangin
Tila lumalakas ang hangin
Mukhang mayroong bagyong paparating
Nakahanda ka na ba sakaling
Tumama sa atin
Nagliliparang basura at yero
Magbabaha na naman lagpas tao
Magbabagsakan bahay at mga poste
Walang kuryente
Mas matatag tayo
Sa bagsik ng bagyo
Mas masa
Mas masa
Mas masaya sa Pilipinas
Mas masa
Mas masa
Mas masaya sa Pilipinas
Bagyong Ondoy bagyong Pablo bagyong Yolanda
Wagas wagas ang pinamalas niyang trahedya
Bagyong Ondoy bagyong Pablo bagyong Yolanda
Babangon at babangon di niyo kami kaya
Maghahampasang mga punong kahoy
Na sinasayawan lang ng pinoy
May instant beach na namang malalangoy
Sa agos na dadaloy
Lahat walang pasok basa ang tsok
Reunion na pati daga ipis at lamok
Isalang ang bidyoke pantanggal antok
Kanta ka ng pagsubok
Mas malupit tayo
Sa hagupit ng bagyo
Mas masa
Mas masa
Mas masaya sa Pilipinas
Mas masa
Mas masa
Mas masaya sa Pilipinas
Kahit ano pa ang dumating
Ang tatag ng pinoy di kayang tibagin
Kayang ugain sandaling dadaing
Ngunit sa huli ngingiti ka pa rin
Ganyan tayo tol ganyan tayo pre
Ganyan sa pinas di papapansinin
Tibay ng loob kahit lumubog
Sa tatag na likas aahon ka pa rin
Kaya masaya kahit malungkot
Kumanta ka na lang para di mabagot
Sanay na kaming lumangoy sa baha
Sa mga balon ay manghuli ng palaka
Ano pa ba ang di kaya ng pinoy
Kahit hadlangan kami tutuloy
Dahil palaban nagtutulungan
Ilang unos man di kami kaya hoy
Mas matatag tayo (yan tayo tayo'y pilipino)
Sa bagsik ng bagyo (yan tayo tayo'y pilipino)
Mas masa
Mas masa
Mas masaya sa Pilipinas
Mas masa
Mas masa
Mas masaya sa Pilipinas
Mas masa
Mas masa
Mas masaya sa Pilipinas
Mas masa
Mas masa
Mas masaya sa Pilipinas
Bagyong Ondoy bagyong Pablo bagyong Yolanda
Wagas wagas ang pinamalas niyang trahedya
Bagyong Ondoy bagyong Pablo bagyong Yolanda
Babangon at babangon di niyo kami kaya
Lumalakas na nga ang hangin
At ang bagyo ay parang suki na natin