Sa Isang Bote Ng Alak

Noel Palomo

Sa isang bote ng alak
Tayo nagsimula
Mga panahong tayo'y walang wala
Pero kahit ganon
Masaya tayo noon
Nagkakasya sa simpleng panahon
Hanggang sa lumipas na nga ang maraming taon
May kanya kanya na tayong buhay ngayon
Pero kahit gan'to
Nagkikita pa rin tayo
Sa isang bote pa rin nagsasalo

Nagbago man ang araw
At sa alak ay di na nauuhaw
Basta't kayo mga kaibigan
Ako'y nand'yan
Sari sari istorya
Saan pa tayo pupunta
Ibat-ibang kwento
Ng buhay nyo ng buhay ko
Nawawala man ang iba
Buhay pa rin sa alaala
Tuloy pa rin ang tropa
Sa hirap at ginhawa
Ano bang balita
Meron bang napasama
Sana'y natupad
Pangarap natin nung bata
Pero ano pa man
Tayo'y pareho lang
Sa isang bote ng alak
Kaibigan

Nagbago man ang araw
At sa alak ay di na nauuhaw
Basta't kayo mga kaibigan
Ako'y nand'yan
Sari sari istorya
Saan pa tayo pupunta
Ibat-ibang kwento
Ng buhay nyo ng buhay ko
Nawawala naman ang iba
Buhay pa rin sa alaala
Tuloy pa rin ang tropa
Sa hirap at ginhawa

Wala na ngang mas gaganda
Sa alaalang nagdaan
Mga pinagsamahang
May konting kalokohan
Magwawakas na ba
At huwag naman sana
Sa isang bote tayo'y
Mag kanya - kanya ah ah ah ah

Curiosités sur la chanson Sa Isang Bote Ng Alak de Siakol

Sur quels albums la chanson “Sa Isang Bote Ng Alak” a-t-elle été lancée par Siakol?
Siakol a lancé la chanson sur les albums “Hiwaga” en 2003 et “The Best of Siakol” en 2008.
Qui a composé la chanson “Sa Isang Bote Ng Alak” de Siakol?
La chanson “Sa Isang Bote Ng Alak” de Siakol a été composée par Noel Palomo.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Siakol

Autres artistes de