Paalam

Ang ganda ng aking umaga kasi may espesyal na nakilala na nagbigay ng kulay at hiwaga
Nagsimula ng bagong kabanata bawat minuto ay masaya ligaya ang kamit kapag kasama
Kaso bigla akong napabahala tayong dalawa'y para nang nag-iiba
Lambingan nawala napalitan ng bangayan sampal at mura ang ating umagahan
'Di ko na alam hindi maintindihan pinagsamahan natin pinagdududahan
'Di ko na alam gusto nilang makialam gusto kitang paglaban kaso ayaw mo naman
At siguro ito na ang oras oras na para ako'y kumalas

Bibitaw na 'ko sa iyo paalam bibitaw na 'ko sa iyo paalam bibitaw na 'ko sa pinagdaanan
Masasabi ko lang sa iyo paalam paalam paalam paalam paalam paalam

Mag-iingat ka palagi paalam umalis ka na kahit 'wag ka ng magpaalam
At wala na sa'kin 'yung ating pinagsamahan napapagod na 'ko baka 'di mo nalalaman
'Di na 'ko kinikilig 'pag ngumingiti ka pasensiya na tiwala 'ko sa'yo ay umikli na
Lumayas ka na lang dito mas maigi pa mas naniniwala pa 'ko 'pag nagsisinungaling ka
Kasi nasanay ka na hinahabol kita palagi kahit na kasalanan mo
Palibhasa 'lam mo na mahal kita kaya sinasamantala kahinaan ko pero
'Di mo lang alam wala na 'kong pakialam ayoko nang paglaban kasi sayang din naman
Nagsayang lang ako ng oras buti nalang agad akong kumalas

Bibitaw na'ko sa iyo paalam bibitaw na'ko sa iyo paalam hindi na pa dapat pa'ko manghinayang
Tapos na 'ko sa iyong kalokohan paalam paalam

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Skusta Clee

Autres artistes de Film score