Sa Bingit Ng Isang Paalam

Gosh Dilay

Sa isang tingin ko lang
Agad ko nang napupuna
Sa likod ng 'yong ngiti
At kung paano ka tumitig sa 'kin

Tulad ng unang bituing
Iyong matatanaw
Sa nag-aambang dilim
Buong ningning pa rin kahit makain

Kinakailangan nga bang magtuos?
Wala tayong dapat simulan
Ako'y kaharap mo't nandito ngayon
Sabihin kung naguguluhan

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?
Sa isang saglit lahat malilipol
'Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

Pasensya na't ako'y muling nauutal
Bumabagal ang pintig
Bumibigat laman ng aking dibdib

Hayaan mong hawakan ko
Ang 'yong kamay
Upang mapawi ang lamig
Ng init pang nararamdaman

Kailangan nating isiping lubos
Ano nga bang ating dahilan?
Sa'n nga ba tayo nakatuon?
Kay rami nang mga nagdaan

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?
Sa isang saglit lahat malilipol
'Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

Kung meron lng aq ng pagkakataong
Sabihin sa'yo ang lahat

Maya-maya'y
'Di na rin magtatagal
Matatapos ang gabi't
Ang nagdaa'y 'di na mananatili

Saan nga ba tayo nakatuon?
Ano nga bang ating dahilan?

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?
Sa isang saglit lahat malilipol
'Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa

Kung meron lng aq ng pagkakataong
Kung meron lng aq ng pagkakataong
Sabihin sa'yo ang lahat

Curiosités sur la chanson Sa Bingit Ng Isang Paalam de Sponge Cola

Sur quels albums la chanson “Sa Bingit Ng Isang Paalam” a-t-elle été lancée par Sponge Cola?
Sponge Cola a lancé la chanson sur les albums “Transit” en 2006 et “Transit Deluxe” en 2008.
Qui a composé la chanson “Sa Bingit Ng Isang Paalam” de Sponge Cola?
La chanson “Sa Bingit Ng Isang Paalam” de Sponge Cola a été composée par Gosh Dilay.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Sponge Cola

Autres artistes de Post-rock