TLKDN
Umiiwas sa ‘yong yakap na unti-unting humihigpit
Pakiusap palayain hinagpis ng ‘yong mga daing
Ayoko nang gumalaw ngunit bakit sa tuwing ika’y unti-unti pang lumalapit
Nag-iisip ng paraan upang ito’y mahadlangan
Gusto ko nang bumitaw ngunit bakit sa tuwing ika’y unti-unti pang lumalapit
Naghahanap ng dahilan baka sakaling matagpuan
Sa iyong piling ang huling hiling kahit kaunting saglit ika’y makatabi
At kung sakaling magbago ang isip at subukang muli hubugin muli
Nag-iingat sa pag yapak na unti-unting bumibilis
Pakiusap wag mong pigilan ihayag lahat ng ‘yong pait
Ayoko nang gumalaw ngunit bakit sa tuwing ika’y unti unti nang lumalapit
Nag-iisip ng paraan upang ito’y mahadlangan
Gusto ko nang bumitaw ngunit bakit sa tuwing ika’y unti unti pang lumalapit
Naghahanap ng dahilan baka sakaling matagpuan
Sa iyong piling ang huling hiling kahit kaunting saglit ika’y makatabi
At kung sakaling magbago ang isip at subukang uli hubugin muli
Maari bang muli mayakap ka muli kahit kaunting saglit di ba masama
Maari bang muli mayakap ka muli kahit kaunting saglit di ba masama
Maari bang muli mayakap ka muli kahit kaunting saglit di ba masama
Maari bang muli mayakap ka muli kahit kaunting saglit di ba masama