Iisang Bangka

Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
Ubod na lakas kung humiyaw ang galit na hanging habagat
Nguni't buo ang puso mong ang daluyong ay sugurin
Magkasama tayong katahimika'y hahanapin

Saan ang tungo mo mahal kong kaibigan
Saan sasadyain hanap mong katahimikan
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit bisig tayong ang gabi ay hahawiin

Dahon ng damo tangay ng hangin
At 'di mo matanaw kung saan ka dadalhin
Ngunit kasama mo ako nakabigkis sa puso mo
Daluyong ng dagat ang tatawirin natin

Saan ang tungo mo mahal kong kaibigan
Saan sasadyain hanap mong katahimikan
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit bisig tayong ang gabi ay hahawiin

Ating liliparin may harang mang sibat
Ating tatawirin daluyong ng dagat
'Pagka't kasama mo ako iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin

Ating liliparin may harang mang sibat
Ating tatawirin daluyong ng dagat
'Pagka't kasama mo ako iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin

Chansons les plus populaires [artist_preposition] The Dawn

Autres artistes de Pop rock