Kuya
Kuya ang hirap pala
Ako'y nasasaktan ngunit walang mapagsabihan
Kuya nakikinig ka ba
Ako ay lumuluhang mag-isa
Kuya alam mo ba kagabi ako'y nagwawala
'Di ko maalala kung bakit
Tandang-tanda ko pa no'ng ikaw ay kasama pa
Una kang sumasaway sa akin
Pwede ba kahit saglit ako ay kausapin
Kahit na ikaw ay magalit ako'y makikinig
Kuya ang hirap pala
Ako'y nasasaktan ngunit walang mapagsabihan
Kuya nakikinig ka ba
Ako ay lumuluhang mag-isa
Kuya alam mo ba minsan ay natutulala
'Di ko na makaya ang pasanin
Lahat naman ay ginagawa ngunit parang 'di pa rin sapat
Ano ba'ng mapapayo mo sa akin
Pwede ba kahit saglit ako ay kausapin
Kahit na ikaw ay magalit ako'y makikinig
Alam ko masaya ka na
Ako ba ay naiisip mo pa
At ngayo'y kailangan kita
Ako ay lumuluhang mag-isa
Ako ay lumuluhang mag-isa