Maghihintay Pa Ba
O kay ganda ng ating simula
Tayong dalawa'y walang kasing-saya
Panatag ang damdamin kong kailanma'y di maglalaho
Ang tamis ng ating pagsinta
Kaya't sadyang di ko minasama
Paalam mo na pansamantala
Ang sabi mo ay sandali magbabalik sa aking tabi
Ba't hanggang ngayo'y wala ka pa
Maghihintay pa ba ako sa'yo
Aasahan ba ang 'yong pangako
Lumipas na ang mga taon nagbago na ang panahon
May pag asa bang balikan mo pa ako
Mayroon pa ba akong hinihintay
Ang tanging pag-ibig ko sa aking buhay
Hanggang kailan kaya sinta ang puso ko'y magdurusa
Sa'yo kaya'y maghihintay pa ba
O kay ganda ng ating simula
Hanggang ngayo'y hinihintay ka pa
Ngunit alam ko na sinta marahil ay wala na nga
Pag-ibig natin ay limot mo na
Maghihintay pa ba ako sa'yo
Aasahan ba ang 'yong pangako
Lumipas na ang mga taon nagbago na ang panahon
May pag asa bang balikan mo pa ako
Mayroon pa ba akong hinihintay
Ang tanging pag-ibig ko sa aking buhay
Hanggang kailan kaya sinta ang puso ko'y magdurusa
Sa'yo kaya'y maghihintay pa ba
Oh maghihintay pa ba ako sa'yo
Aasahan ba ang 'yong pangako
Lumipas na ang mga taon nagbago na ang panahon
May pag asa bang balikan mo pa ako
Mayroon pa ba akong hinihintay
Ang tanging pag-ibig ko sa aking buhay
Hanggang kailan kaya sinta ang puso ko'y magdurusa
Sa'yo kaya'y maghihintay pa ba