Tunay Na Minamahal [From Apoy Sa Langit]

Akala ko 'di na magmamahal muli
Bilanggo sa aking nakaraan
Pasan ko ang daigdig
Ngunit nang ika'y makita

Nagkaroon ng pag-asa
Puso kong nangungulila
Nakatagpo ng makakasama
Liwanag ay nakita na

Sa piling mo'y maligaya
Ngunit ang 'yong nadarama'y
Sa'kin ay 'di pala tunay
Ako'y iyong pinaniwala

Bakit ba muling iibig
Kung puso'y masasaktan lang
Tinuruan mong umibig
Pero ako'y pinaglaruan

Parang apoy sa langit
Nilinlang ng 'yong pagibig
Akala ko'y natagpuan ang walang hanggan
Pero hindi pala di pala tunay na iyong minamahal

'Di hahayaan na sa aki'y lumapit pa
Palalayain na ang puso
Na sayo'y umaasa
Sakit na nadarama'y 'di mawala

Ngayon bakit ba
Bakit ba
Bakit ba muling iibig
Kung puso'y masasaktan lang

Tinuruan mong umibig
Pero ako'y pinaglaruan
Parang apoy sa langit
Nilinlang ng 'yong pagibig

Akala ko'y natagpuan ang walang hanggan
Pero hindi pala 'di pala tunay na iyong minamahal

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Zephanie

Autres artistes de