Minsan Pa [.]

Kay tagal ko nang pangarap
At lagi nang dasal
Pag-ibig na sadyang wagas
Ngunit waring kay ilap ng palad kong ito
At ako'y patuloy na bigo

O pusong kay sakit ala-alang kay pait
At kung muling balikan ang lahat ng nagdaan
Tila wala pang minahal at walang natagpuan
Nais ko sanang mag-isa't huwag nang umibig pa

Kung yan man ay totoo at manatili sa mundo
Na walang buhay walang kulay walang nagmamahal
Ngunit kung ako'y maghihintay umasa pa't
Umibig pang muli minsan pa

Minsan pa akong nangarap
At sana'y maganap
Sa iyo'y ibibigay lahat
Narito ka ngayo't kailanman 'ikaw ang langit ko
Tanging ningning ng buhay ko

Halina sa piling ko
Alisin ang takot ko
At sa muli'y malasap ang pag-ibig na ganap
At ang pangarap na mundo ay matupad sa piling mo
Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa

Ikaw ang simula't wakas ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay mahal pa rin kita
At hanggang wakas pag-ibig ko'y sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Oh ikaw ang simulat wakas ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang pag-asa habang buhay mahal pa rin kita
At hanggang wakas pag-ibig ko'y sadyang wagas
Ngayon at kailanman minsan pa

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Zsa Zsa Padilla

Autres artistes de Middle of the Road (MOR)