Buhay

Yow musta kayo eto ayos lang nais lang namin sa inyong ipaalam na ano ano
Wala kaming balak huminto wala sa paggawa ng musikang
Patungkol sa karanasan at kamalayan

Sa bago na tanim kamalayan naambag wala na sa dilim niyakap ang lahat
Mamamayagpag din may pusong pasuwag layo sa negatibo sa tibay ng ugat
Lakadin nanaman ang ating kahahantungan sa dala-dalang pag-ibig dapat laging tandaan
Sa daan kung may mali mang nararamdaman
Wakasan mo ang takot gamit lang ang paghinga
Hanapin sa bungo ang liwanag na dumaloy pataas palabas bagong mundo sa pagtuloy ng hinga
Pakiramdam nag iba papalapit na sa tuktok pagbaba ay ang kalma ang kalma

Parang dati ako lang nakikinig sa sarili kong gawa (mga gawa)
Mga bagay na hindi ko napansin na malapit na pala pawis ang naipon mga luhang pumatak
Sa sarili kong paa naramdaman nakayapak
Ngayon kasama ko ang grupo nagsumikap meron nang napapala (napapala)
Nagpapatuloy maglakbay marunong parin lumingon dahil alam ko sa sarili kailangan ko iyon
Marami nang nakasalubong iba't-ibang bisyo kinokonkreto ko ngayon ang sarili ko na misyon
Ang mundo kong binuo may iba't-ibang leksyon
May iba't-ibang ambag sa sarili kong repleksyon tumaas kinontrol mapanlinlang na emosyon
Kinulong ko na sarili nakalaya na ngayon

Heto ang buhay na pinasok ko wala nang dapat patunayan pa bisita lamang tayo sa mundo
Wala nang dapat pag-awayan pa heto ang buhay na pinasok ko
Wala nang dapat patunayan pa bisita lamang tayo sa mundo wala nang dapat pag-awayan pa

Eto ang buhay na pinasok ko kalye at lansangan
Nagsilbing tahanan ang kaluluwa kong tangan-tangan
Sobrang daming dinaan mga pagkakamali kung anong meron noon ay di na maibabalik
Dirediretso lubak man ang daanan pare-pareho lang tayong uhaw sa kaalaman
Sustansya ng halaman punan ng kaalaman
Pero wag mong kalilimutang yan ay may hangganan
Ano mang ginagawa mo tiyak sayo ay babalik
Pagmamahal sayong sarili pare wag mong pagkait
Talagang may panahong tila ba napakapait ng suliranin pero dahil din sa atin yon kase

Kung gusto mong maisaayos ang paligid mo unahin mo muna ayusin ang sarili mo
Sa pagtakbo kalmado kong nilalakad tong tinatahak na mundo pilit ginugulo
Ang kaso dami pang sarado na tao hayop makitao teka anong plano
Mabuti't nakatago sagradong pagkatao lahat ay magbabago wala naman dun bago
Maraming bawal mga tama at mali nasayo king pano susulitin sandali
Sa umpisa di madali pero pag sinanay at sanay na dadali

Yo panibago na mundo aming tutuklasin handa na sa mga bagay na di pangkarani
Wang nakikita mo lang din sa salamin ang sarili mo lang din ang dapat mo na harapin
Handa ka ba na maratin o baka silaw ka lang sa ilaw ng bituin
Nang-aakit sa iyong inosenteng paningin di mahanap ang sarili anong dapat na gawin
Anong dapat na gawin

Naliligaw na nga o nahihibang na nga o nahihirapan nga kaya naglilibang nalang
Sa lugar na ang lahat pataas ang punta nakangiti ngunit iba ang sinasabi ng mata

Heto ang buhay na pinasok ko wala nang dapat patunayan pa bisita lamang tayo sa mundo
Wala nang dapat pag-awayan pa heto ang buhay na pinasok ko
Wala nang dapat patunayan pa bisita lamang tayo sa mundo wala nang dapat pag-awayan pa

Heto ang buhay na pinasok ko wala nang dapat patunayan pa bisita lamang tayo sa mundo
Wala nang dapat pag-awayan pa heto ang buhay na pinasok ko
Wala nang dapat patunayan pa bisita lamang tayo sa mundo wala nang dapat pag-awayan pa

Chansons les plus populaires [artist_preposition] 1096 Gang

Autres artistes de Asiatic music