FOREVER HIPHOP

Genesis Lago, John Jeremy Ganzon, Paulo Cernal Manlod, Lou Ashlie Isidro, Dan Gerald Saribay, Omar Manzano, Brian Luna

Pagbayo kalabog yung tunog tumagos sa loob ng buo kong katawan
lumago patago lumalawak pa to lalo bawat oras mabilis na gumaan
lumipad palayo maligaw man alam kong merong musika akong babalikan
tinaya dugo't pawis sinugal sinamahan ng dasal

ang buhay natin ay walang humpay na pasahan
ng kaalaman galing sa mga karanasan
isipin ng maigi ang pwedeng kalabasan
bago mo pasukin silipin mo ang nilalaman

ng damdamin mo ang hangarin mo
ang magsisilbing gabay sa lalakarin mo
papalarin ka wag kalang hihinto
lagi mo pakatandaan marami dyang pinto

totoo pero parang panaginip
pagkabuhay natin ang sarap umibig
minsan nga lang e parang nakakabitin
kapag naiisip kong lahat ng to'y kukunin

alam mo gusto ko lang din sulitin
pagkabuhay kong hindi na mauulit
kaso nga lang kailangan kong magpigil
kasi pag hindi baka maaga akong kunin

hirap na makatulog dami ko na mga plano
kakaisip ay ginalawan kahit paano
hindi matatanggi laman ng aking pagkatao
ramdam ko saking katawan daluyong ng bibrato

tulala sa umaga may kape sa harap
puro sulat iniisip kaya lagi lang puyat
may pamilyang binubuhay kailangan ng ganap
laman ng aming plato galing saking pagrarap

siguro para sakin to tagal ko rin nahanap
naranasang maligaw sa mga pekeng alapaap
meron din ako ng sinasabing mong laganap
pero buti nanaig sa pag iwas naging panatag

parang dati lang walang nagaganap
tahimik lang ngayon andami nang naghahanap
dati walang ideya kung anong hinaharap
ngayon ginagawa ko ako magpapabago

ng buhay ko di hahayaang may makabulabog
ngayon tanaw ko na yung dati na kinakapa ko
dati nasusulasok habang nagsusumamo
ngayon natuto nako di na magpapasakop

sinubok na panis lahat walang palya ah
daming plano walang bago lahat tinaya
bihirang mabilib kaya bihirang makinig
lumalaganap di kailangang magpakasaid

gumaan mabigat man ang dagan
tinuloy mga hakbang binigay isang daan
sa daan sanay sa kalakaran
kaya kitang sasagana mga araw dadaan

maaraw o maulan dadaanan mo lang yan
ang kailangan lang ingatan ang mga kasamahan
tanda ko ang ilang nanatili, lumisan 'yaan nalang
pang hawakan mo yung para sayo lang

kung para sa akin lang mas mabuti pang
sara lang ang mga labe, kesa panay bigkas lang kunware
hilig mag bakasakale, sigurado di kailangan pasubali
mga balak daming bala 'lang balakid

iniingatan ko ngayon yung bawat sinasabe
sinantabe yung negatibo kaya di na bale
tahimik bsta merong may laman talaga naman
yung pangarap sa maayos ko to dinadale

handa nalang palage sa kung anong mangyare
tanda yung mga aral ginagamit pag lagare
tansya kung may pabagal yung resulta niyayare
lilipas den naman kaya tuon sa pag abante

sabe sabe lang nila yung pedeng humarang sayo
ikaw paren mag tatakda at pwedeng bumuo
nakasalalay sayong tibay ng bungo
kung gano tatagal sa tinatawag na laro sige lukso

natumba tumayo nagdilig lumago tignan mo kung nasan na kami ngayon
tyinaga ko yung init sinagad pag kapihit alam mong hindi lang to nagkataon
natural di pinilit nagtyaga di sumingit tila umahon sa pagkakabaon
nilabag ko yung plano sinagot yung paano susulitin lagi pagkakataon

walang papakawalan kasi alam na halaga
kung saan man dadalhin ngayon alam na talaga
dahil kahit may sumubok yung sumubok yung panis
kahapon pang handa parang maaga yung alis

dating kulit gagamitin sa tama
tama yung dati parin yung kasama
di narin mabilang yung aberyang dumaan
tila walang bago buhay lang yung gumaan

Pagbayo kalabog yung tunog tumagos sa loob ng buo kong katawan
lumago patago lumalawak pa to lalo bawat oras mabilis na gumaan
lumipad palayo maligaw man alam kong merong musika akong babalikan
tinaya dugo't pawis sinugal sinamahan ng dasal

Pagbayo kalabog yung tunog tumagos sa loob ng buo kong katawan
lumago patago lumalawak pa to lalo bawat oras mabilis na gumaan
lumipad palayo maligaw man alam kong merong musika akong babalikan
tinaya dugo't pawis sinugal sinamahan ng dasal

Chansons les plus populaires [artist_preposition] 1096 Gang

Autres artistes de Asiatic music