Shabugg

Welcome sa ebs-gme-5 news balita
Andito tayo ngayon sa Pandacan Maynila
Kung san may naganap na krimen
Ang naturang kababalaghan
Ayon sa ating eye witness sir
Pakikwento niyo naman ang inyong karanasan

Oh may nakita ako
Na ano nakatikim ng shabu
Nangangayayat maitim yung lowat
Dilat na dilat kahit palong-palowbat
So what bumili ng bulto sumindi ng puro
Suminghot ng buko uminom ng mucho
Sumikip yung puso umikot yung ulo
Sumigaw ng ohh wohhh

Nagbago ng anyo
Buti na lang nakatago lang ako
Nangangatog semi-kalmado at sabog
Dibdib kumakabog-kabog kabado at takot
Tol kagimbal-gimbal
Nag-iba yung kaanyuang pisikal
Literal oo pare literal

Pang-mental hospital
Para medyo kritikal metapisikal

Pare ba't ganyan (ba't gayan)
Palo parati ayaw tantanan (ayaw tantanan)
Ayan na nga ba eh ang lala naman (lala naman)
Ano nangyari kababalaghan (kababaglaghan)

Parang may nagparamdam nakakakilabot
Parang bangungot nakakatakot
Pag napang-abot sapagkat
Tinutubuan pa ng pangil buntot at pakpak
Na kulay uwak ako'y naduwag
Animal siya kaya pag naamoy ka good luck
Gutom sa karne uhaw sa dugo
Nauto kasi nakipagsanduguan sa multo

Nakupo nanlamig ako sa nakita ko (nakupo)
Madugong-madugo malagim pa 'to sa maligno (madugo)
Stir ka noh tsong pramis noh
At mamatay man mehn walang tokis bro
Sa eskinita oh kitang-kita ko
May ginagahasa 'tong adik-adik na 'to

Oy pare ba't ganyan (ba't gayan)
Palo parati ayaw tantanan (ayaw tantanan)
Ayan na nga ba eh ang lala naman (lala naman)
Ano nangyari kababalaghan (kababaglaghan)

Matapos ang karumal-dumal na krimen
Tumayo siya tumahol tas tumakbo sa may pier
Buhat-buhat ang birhen mukhang gustong patayin
Sinundan ko lang dahil sa kagustuhang alamin
Pagdating ko doon patay ayayay
Ang naabutan ko na lang ay bangkay
Agay masaklap pa nga'y
Labas bituka ni dai si bai kagat-kagat ang atay sabay

Lumingon siya sa'kin nako
Hinahabol niya na ako
Ang nakakatakot pa dun
Pati kamay pinangtatakbo

At pagharap ko sa aking likuran
'La na siya andyan na pala sa'king harapan
Sabi toy sabit tayo dyan dami mong alam
Biglang nagsulputan napalibutan ng mga aswang
Akala ko ito na ang aking katapusan

Yun pala yung amat ko sa kabute patapos lang

Pare ba't ganyan (ba't gayan)
Palo parati ayaw tantanan (ayaw tantanan)
Ayan na nga ba eh ang lala naman (lala naman)
Ano nangyari kababalaghan (kababaglaghan)

Kasi nga shabugg
Kaliwa't kanan kahit pa saan may shabugg
Pati yung kapitbahay lahat sila ay shabugg
'Di lang mga tulisan pati ang kapulisan hayy shabugg
Na shabugg na shabugg na shabugg na

Chansons les plus populaires [artist_preposition] ABRA

Autres artistes de Contemporary R&B