Hanggang Sa Muli

Mahirap sa umpisa
Kumakapa sa dilim
Parang ayaw nang bumangon
Kung 'di naman ikaw ang kapiling

Ayaw imulat ang mata
Pero kailangan
Titiising maging tanga
Kaso dapat na kitang bitawan

Salamat sa lahat sa ngiti sa iyak
Pero heto na heto na ang huli
Salamat sa lahat sa pagpaparamdam na ako'y sapat
Pero heto na heto na ang huli

Salamat hanggang hanggang sa muli hmm
Hanggang sa muli
Mahirap muli ang mag-isa
Pero mainam nang tanggapin

Na ikaw ay mayro'n nang iba
Oh kay bilis ng ihip ng hangin
Ngayon napagtanto ko na
'Di mo 'ko kailangan

Lalakasan ang tiwala sa sarili
Na ito'y malalampasan
Salamat sa lahat sa ngiti sa iyak
Pero heto na heto na ang huli

Salamat sa lahat sa pagpaparamdam na ako'y sapat
Pero heto na heto na ang huli
Salamat hanggang hanggang sa muli hmm
Hanggang sa muli hmm

Hahakbang na papalayo
Sa dating tahanan
Ako na ngayon ay liliko
At haharapin ang katotohanang

Tayo'y malaya na sa isa't isa
Oo heto na heto na ang huli
Maninibago man alam kong mayro'n akong natutunan
Ibabaon ko lahat ng sandali

Kaya naman salamat sa lahat
Huli ko nang salamat paalam
Hanggang sa muli

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Angela Ken

Autres artistes de Asiatic music