Dahil Ikaw Lang Ang Mahal
Ha yeah oh
Di ko naisip na may darating pa
Na katulad mo at sa'kin ay makauunawa
Dati'y laro sa akin ang pag-ibig
At ang pagluha
Ng iba ay di ko napapansin
Walang wala sa'kin
Ito'y sa'yo ko lang aaminin
At binago mo ang tulad ko
Lahat ay dahil sa'yo
Ikaw ang nagmulat sa aking isipan
Ang pagmamahal ay di laro lamang
Sa'yo natutunan at aking nalaman
Ang kahalagahan ng pag-ibig na wagas kailan pa man
Hindi ka iiwan
Dahil ikaw lang ang mahal yeah
Ngayon ay langit pag kapiling kita
Tunay na ligaya ang lagi'y aking nadarama
Di tulad ng dati na nag-iisa
At di ko malaman (di ko malaman)
Bakit nga ba magmamahal pa
Walang wala sa'kin
Ito'y sa'yo ko lang aaminin
At binago mo ang tulad ko
Lahat ay dahil sa'yo oh
Ikaw ang nagmulat sa aking isipan
Ang pagmamahal ay di laro lamang
Sa'yo natutunan at aking nalaman
Ang kahalagahan ng pag-ibig na wagas kailan pa man
Hindi ka iiwan
Dahil ikaw lang ang mahal oh
Ikaw ang nagmulat sa aking isipan
Ang pagmamahal ay di laro lamang
Sa'yo natutunan at aking nalaman
Ang kahalagahan ng pag-ibig na wagas kailan pa man
Di ka iiwan
Dahil ikaw lang ang mahal
Dahil ikaw lang ang mahal