Tama Nga Sila

Argee Guerrero

'di na natatawa sa ating paboritong palabas
wala nang gana sa mga pagkaing dati'y gusto nating dalawa

sabi nila may nararapat pa sa aking iba
yung 'di padadala sa kung ano pang isipin nila
ang sabi ko naman hindi ka lang nila kilala
huli na nang namalayang tama lahat sila

ngayon ako'y gulong gulo
paano ba umiwas kung ikaw pa rin ang nasa isip ko
'di ko lang mawari ba't ka bigla nag-iba
tatlong taong tayo, sa ilang linggo'y ika'y nawala
'di ko rin maisip kung nagkulang ba akong talaga
o sadyang 'di sapat sa'yo ang aking lahat

sabi nila may nararapat pa sa aking iba
yung 'di padadala sa kung ano pang isipin nila
ang sabi ko naman hindi ka lang nila kilala
huli na nang namalayang tama lahat sila

paulit ulit kong babalikan ang mga paborito natin
baka sakaling
maibalik ko ang ngiti sa aking piling
ngayong ika'y wala na sa'kin

sabi nila may nararapat pa sa aking iba
yung 'di padadala sa kung ano pang isipin nila
ang sabi ko naman hindi ka lang nila kilala
huli na nang namalayang tama lahat sila

sabi nila may nararapat pa sa aking iba
yung 'di padadala sa kung ano pang isipin nila
ang sabi ko naman hindi ka lang nila kilala
huli na nang namalayang tama lahat sila

tama lahat sila

kung nasaan ka man
mag ingat ka palagi
sana ikaw ay masaya

Chansons les plus populaires [artist_preposition] I Belong To The Zoo

Autres artistes de Asiatic music