Sariling Multo (Sa Panaginip)
Sa panaginip ko ikaw ang nakakasama
Sa bawat agos ng salita dala ang damdamin kong sawa
Pikit-matang titingin sa patay na bituin
Sana pigilan sandali ang sandali upang takasan lahat ng takot ko
Sa araw-araw ko ikaw ang nakakausap
Ang luha kong nag-aabang laman ang tinagong kalungkutan
Pikit-matang dadalhin kapayapaan hihingin
Paano ba pigilan ang ikot ng mundo
Sa awiting 'to may magtataka
Kung magbago man ako 'wag sanang umalis
Panalangin ko iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo
Panalangin ko iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo
Sa sariling multo
Sa araw-araw ko ikaw ang nakakalaban
Ano man dakong puntahan sabay tayong mahihirapan
'Wag ka sanang bumitaw bantayan bawat galaw
Nang hindi magtampisaw sa lungkot at luha ng ulan
Panalangin ko iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo
Panalangin ko iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo
Tama bang itago 'to
Sana magising na 'ko
Tama bang itago 'to
Sana magising na 'ko
Tama bang itago 'to
Sana magising kayo
Tama bang itago 'to
Sana mapansin n'yo ako
Panalangin ko iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo
Panalangin ko iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot sa sariling multo
Sa sariling multo
Sariling multo