Magpakailanman

Jim Paredes, Tarmo Urb, Tom Urb

Maraming natatakot, marami ang nangangamba
Sa mga pangyayari nagaganap nakikita
Sabi ng iba malapit na magunaw ang mundo
Wag mag -alala.
Pakinggan ang sasabihin ko

Magpakailanman ako
Mananatiling sa tabi mo
Walang hangganan ito
Naririto para sa'yo

Sa gitna ng kadiliman ang takot ay umiiral
Wag mag-alala pagkat ako ang iyong kandila
Liwanag lang ang pwedeng tumapat sa kadiliman
Asahan mong pag-ibig ko ay laging nariyan

Magpakailanman ako
Mananatiling sa tabi mo
Walang hangganan ito
Naririto para sa'yo

Kung ipagsama natin lahat ng mga nagmamahalan
Daig ang kalungkutan, kaba at takot ng karamihan
Pag-ibig ang kailangan maghari sa buong mundo
Eto na ako sisimulan ko na sa'yo

Magpakailanman ako
Mananatiling sa tabi mo
Walang hangganan ito
Naririto para sa'yo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jim Paredes

Autres artistes de Pinoy pop