Unang Kiss

Jim Paredes

Nung ako'y binata pa’t walang karanasan
Wala akong alam sa pagibig at buhay
Napaisip ako ano kaya ang kulang
Sa buhay kong ito na tila walang laman

Ako'y nanligaw sa dalaga ubod ng tamis
Duon ko natikman kung anong aking namimiss
At sa ilalaim ng puno kami ay nag kiss..
At nag kiss..
At nag kiss

Chorus
Ang sarap pala humalik at mahagkan
Ng labing matamis na aking natikman
Ito na bang sagot sa buhay kong walang kulay
Halik lang pala'ng kailangan

Kung sa pag idlip bigla ako'y napagising
Sa yaman at tindi ng buhay aking napansin
Dating ‘sang musmos namulat ang mga mata
Nagbago ang tingin sa buhay at pag unawa

Dun at dun mismo ako ay nagdesisyon
Na siya na talagang aking pakakasalan
Bakit pa kailangan maghintay at magtiis
Sa harap ng hwes mismo kami'y nag kies
At nag kiss
At nag kiss
Chorus
Ang sarap pala humalik at mahagkan
Ng labing matamis na aking natikman
Ito na bang sagot sa buhay kong walang saysay
Pagibig lang pala'ng kailangan

Ilan taon na rin mula kami’y nag asawa
Nakabuo kami ng isang pamilya
Parang kelan lang kami'y binata't dalaga
Ngayon kami naging mga ama at ina

Magkasunod napanganak si Jun at si Tina
Napakasaya pala magkpamilya
Di rin tumagal sila'y natutong manligaw
At nakaranas din nang unang kiss
Unang kiss
Kay tamis

Chorus
Ang sarap pala humalik at mahagkan
Ng labing matamis na aking natikman
Ito na bang sagot sa buhay kong walang kulay
Halik lang pala ang kailangan

Nung huling pasyal namin sa ilalim ng puno
Napansin namin mga dahon na malugo
Di namin inakala na yung naganap dito
Ay magdudulot ng pagmamahalang totoo

Dumating ang araw na kami nalang dalwa
Mga anak namin ay may mga pamilya na
At kahit na kami ay patanda ng patanda
Tuloy pa rin kami ng…. ano pa ba
Na mag kiss
Na mag kiss
Among tamis

Chorus
Ang sarap pala humalik at mahagkan
Ng labi matamis na aking natikman
Ito na bang sagot sa buhay na walang kulay
Ang solution pala
Kailangan lang pala
Ang dapat lang pala

Ay mag kiss

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Jim Paredes

Autres artistes de Pinoy pop