Laging Tapat
Tunay bang ako lang ang lagi mong iibigin
Kung sayo'y ibigay buong puso't damdamin
Di ako makararanas
Na lumuha kahit minsan lang
Di magsasawa hindi magbabago
Di maghahanap ng pag-ibig na papalit sa puso ko
Ganyan ka sana dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo
Sana'y di magwakas ang pagtitinginan natin
Araw man ay lumipas di natin papansinin
Pagkat walang ibang laman
Ang kapwa nating isipan
Di magsasawa hindi magbabago
Di maghahanap ng pag-ibig na papalit sa puso ko
Ganyan ka sana dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo
Magkulang man magkaminsan
Talagang kasama iyan sa ating buhay
Di magsasawa hindi magbabago
Di maghahanap ng pag-ibig na papalit sa puso ko
Ganyan ka sana dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo
Oh
Laging tapat at laging totoo