Sa Panaginip Lang
Sa dami dami na nangyari na sa buhay kong ito
Hindi ko pa naramdaman ang nararamdaman ko ngayon
Sa dami dami na nagsabi na mahal nila ako
Bakit parang sa'yo lamang tumitibok ang aking puso
Hindi naman ako tanga
Alam ko nga walang mapapala
Hindi tayo bagay sa isa't-isa
Sa panaginip tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan
Di ko sinasadya naman
Sa panaginip tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam
Hanggang sa panaginip lang
Hindi na yata maaari pa magkaroon ng panahon
Upang magawan ito ng paraan para mapalapit ako sayo
Hindi na dapat nangangarap pa diyan sa pag-ibig mo
Langit ka kasi lupa lang ako bakit hindi pa rin ako natututo
Hindi naman ako tanga
Alam ko nga walang mapapala
Hindi tayo bagay sa isa't-isa
Ngunit bakit ba
Sa panaginip tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan
Di ko sinasadya naman
Sa panaginip tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam
Hanggang sa panaginip lang
Yan na ba ang nais ko
Ikaw ba ang mahal ko
Bakit biglang nalilito ang isip ko
Ngayong alam na alam ko na
Sakit lang sa puso ko
Ang makukuha ko sa iyo
Eh 'di bakit ba
Sa panaginip tayo ay magkasama
Bakit ba ganyan
Di ko sinasadya naman
Sa panaginip tayo ay magkayakap
Hindi ko na alam
Hanggang sa panaginip lang ba talaga yan