Ikaw Pa Rin

Shirley De Guzman

[Verse 1]
Nang matapos na'ng mga araw na ika'y sa aking piling
Iniibig ka pa rin
Nang maglaho na ang sikat ng buwan
At araw sa tuwing magdamag ikaw pa rin

[Pre-Chorus]
Bakit nga ba 'tong pusong nasugatan
Tila nais paring maramdaman tamis ng yakap mo't halik

[Chorus]
Naaalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa?
Iyong sinabi't pinangako na nalimot mo na siya
At kahit naglaho ka na muling sumama sa kanya
Sa aking puso ay ikaw pa rin, ikaw pa rin

[Verse 2]
Tuwing paggising sa umaga ang iyong mukha
Ang nais halikan at sambahin
Sa maghapon ay iniisip ka lamang
At ang mga nakaraan na kay saya

[Pre-Chorus]
Bakit nga ba iyong puso'y sinugatan
Habang pagsisisi ay hindi na kailanman mawawala

[Verse 3]
Naaalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa
Aking sinabi't pinangako na tayo'y may pag-asa
Ngayon kahit siya'y akin sa kanyang yakap at lambing
Ang ninanais ay ikaw parin, ikaw pa rin

[Interlude]
Woah, oh-oh, oh, oh-oh

[Chorus]
Nang matapos na'ng mga araw na ika'y sa aking piling
Iniibig ka pa rin
Nang maglaho na ang sikat ng buwan
At araw sa tuwing magdamag ikaw pa rin

[Chorus]
Naaalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa
Iyong sinabi't pinangako na nalimot mo na siya
Kahit naglaho ka na muling sumama sa kanya
Sa aking puso ay ikaw pa rin, ikaw pa rin

[Outro]
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Juana

Autres artistes de Gospel