Gabi

KEIKO NECESARIO

Lumalalim na ang gabi
Binibilang ang bawat sandali
Tila 'di makahinga
Takot nga ba ang nadarama hmm

Sa oras na mahulog sa iyo
Sasaluhin mo nga ba ako
'Di mapaliwanag ang kaba
Pag-ibig na ba ang nadarama

Ang lahat ay para bang naglalaho
Habang ikaw sa isip ay naglalaro
Siguro nga
Ito na nga ba

Ikaw na ba
Tayo na ba
Hindi na kailangang mag-alinlangan pa
Unti-unti nang napapalapit

Ika'y nariyan sa bawat pagpikit
Hinahanap-hanap kita
Handa nang pag-ibig ay maadama
Ang lahat ay tuluyan nang naglaho

Ikaw lamang sa isip ang naglalaro
Alam ko na
Ito na nga
Ikaw na nga
Tayo na nga
Saksi ang maykapal sa 'king paghihintay

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Keiko Necesario

Autres artistes de Folk pop