KAHIT PA ANONG MANGYARI

Charles Bautista, Keiko Necesario

Kahit pa anong mangyari

I
Patong patong na bagay ang dapat isipin,
parang walang hanggan ang mga bayarin
Ngunit kahit sa magulong mundo,
di magbabago ang pangarap ko
ikaw ang kasama hanggang pagtanda
pag ugod ugod na’t di makasalita

CHORUS
Kahit pa anong mangyari,
buhay man ay di madali’t
walang pagmamay-ari
Kailanma’y di pagpapalit
at hindi maaaring
tayong dalwa’y
di magkasabay
kahit pa anong mangyari
Kahit pa anong mangyari

II
Wala nang mas sasaya pa dahil akin ka
gumagaan ang lahat ng dinadala
Asahan mo sa magulong mundo,
pangarap mo ay ang pangarap ko
tuloy tuloy lamang hanggang pagtanda
Kahit ugod ugod na’t di makasalita

CHORUS

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Keiko Necesario

Autres artistes de Folk pop