Pag-Ibig

Nang tangan ng nanay ng munting mga kamay
Ika'y tuwang-tuwa
Panatag ang loob sa damdaming ika'y mahal
Nung makilala mo
Ang una mong sinta
Umapaw ang saya
At siya'y ibang-iba sinasamsam ang bawat gunita

Di mo malimutan kung kailan nagsimula
Matuto kung papano mag-mahal
At di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik
Yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit

Nun tayo'y nagkakilala ng hindi sinasadya
Ikaw lang napansin
Nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napakalambing

Di mo malimutan kung kailan nagsimula
Natutong ikaw lang ang mahalin
At di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik
Yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit

Di mo malimutan kung kailan nagsimula
Natuto kung papano mag-mahal
At di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik
Yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Kitchie Nadal

Autres artistes de Alternative rock