Alinlangan [From "Super Twins"]

Huwag mo na itanong sa isipan mo
Kung ikaw ay minamahal ko
Pakinggan ang bulong ng iyong puso
Ano ang sabi niya sa 'yo

Lagi kang babantayan
Magmula sa kalangitan
Ang lahat ng iyong mga alinlangan ay
Iyong malilimutan

Huwag mo nang tanungin ang iyong puso
Kung ano ang nadarama mo
Ang lahat ng mga kapangyarihan ko
Bunga ng pagmamahal mo

Lagi kang babantayan
Magmula sa kalangitan
Ang lahat ng iyong mga alinlangan ay iyong malilimutan

Kung hindi dahil sa 'yo
Di ko mamahalin ang buhay
Sa isang saglit kung kailangan mo buhay ko'y iaalay

Harangan man ng apoy
Kahit malunod ng alon
Lahat malalampasan para lang sa iyo

Lagi kang babantayan
Magmula sa kalangitan
Ang lahat ng iyong mga alinlangan ay iyong malilimutan

Kung hindi dahil sa 'yo
Di ko mamahalin ang buhay
Sa isang saglit kung kailangan mo buhay ko'y iaalay

Ang lahat ng iyong mga alinlangan ay
Iyong malilimutan

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Michael v

Autres artistes de Television series